(NI ROSE PULGAR)
AASAHAN ng motorista ang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo na ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng P1.00 hanggang P1.15 sa presyo ng kada litro ng gasoline habang may marahil na pagtaas na 10 sentimos sa diesel at kerosene.
Kaugnay nito, maagang nag-abiso nitong Sabado ang Phoenix Petroleum Philippines para sa ipatutupad nitong bigtime rollback na P1.00 sa presyo ng kanyang gasolina na epektibo dakong alas- 6:00 ng umaga ng Linggo, Hulyo 28.
Ang napipintong dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Nitong Hulyo 23, bumaba ng 40 sentimos ang kerosene, 25 sentimos sa gasolina at 20 sentimos naman sa diesel.
180