INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Coast Guard (PCG) na bantayan ang mga isla ng Batanes province upang matiyak na mananatiling sa bansa ang mga ito.
Sa press briefing sa Batanes provincial officials, sinabi ng Pangulo na kailangang magpatrulya sa lugar ang PCG kahit hindi araw-araw basta maiparamdam na sa Pilipinas ang mga isla roon.
“I’ve been flying here in the area of the epicenter,” he said. “There are two islands — big ones. I told the mayor [Raul de Sagon]: It is ours? I don’t see any — put something, sort of a symbolic… Stealing land has become common. The Chinese started it,” sabi ng Pangulo.
“Iba na at mahirap ang sitwasyon ngayon,” sabi pa ng Pangulo.
Nagtungo sa lugar si Duterte upang alamin ang pinsala at tulong na ibinibigay sa mga biktima ng lindol nitong Sabado.
171