Maituturing na isa sa pinakamahusay, dedicated in public service sa kanyang panahon ang kasalukuyang Director ng Firearms & Explosive Office (PNP-FEO).
Ang ating tinutukoy ay walang iba kundi ang Class 89 na PMAyer na si PBrigGen Valeriano “Val” de Leon na bukod sa very approachable ay talagang mahusay magtrabaho kaya lalong lumalaki ang remittance ng PNP-FEO mula sa mga nagpaparehistro at nagre-renew ng mga lisensya ng mga baril.
Alam ba ninyo na noong taong 2015 ay sobrang dami ng mga nagparehistro at nag-renew ng mga baril kaya inaasahan na sa taong kasalukuyan ay magiging triple ang magpaparehistro at magre-renew ng lisensya ng baril ng ating mga kababayan.
Ang Republic Act (R.A. 10591) na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maigting na iniimplementa ng kanyang opisina upang ang koleksyon ng FEO ay lalong mapalaki. Ang hangad ng butihing direktor ay lalong mapagbuti ang serbisyo at sistema upang mabigyan ng pagkakataon ang mga qualified na applicant na mag-apply ng kanilang lisensya at mag-renew ng kanilang mga baril.
“At ngayon kung makikita ninyo sa labas, piktyuran ninyo… we do not allow fixer to roam around the vicinity and that is the total violation of existing laws even the PNP policy, kaya nga ang sabi ko kapag kayo ay kumuha ng lisensya ninyo sa fixers it will cause you perpetual disqualification, hindi lang basta makakansela ang inyong lisensya kungdi hindi na kayo makakapag-renew habambuhay” pahayag ni PBrigGen Val de Leon.
“Kung ang dating opisina namin na ang tawag ay malapalengke, ngayon ay kaunti na lamang ang nagpupunta dahil sa pinaigting na sistema ng PNP-CSG-FEO na computerized at online na ang lahat ng transaksyon” dagdag pa niya.
Hindi na umano sila kailangan na kilalanin at puntahan dahil ang lahat ng kanilang sistema ay maayos at kapag kumpleto sa requirements, validity at authenticity ay walang problema sa pagparehistro at pag-renew ng lisensya ng baril at kapag may kulang ay malalaman agad sa FEO Services. Sinisiguro ng kanyang opisina na talagang gumagana ang sistema na kung saan naka-focus sila sa mabilis na pagbibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng Caravan, One Stop Shop at iba pa.
Keep up the good works PBrigGen Val de Leon. Mabuhay ka! (Hagupit ni Batuigas / MARIO B. BATUIGAS)
381