PINOY NA DINAKIP SA HK PROTEST MINOMONITOR NG DFA

hk77

(NI ROSE PULGAR)

HANGGANG ngayon ay patuloy pa rin minomonitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa Hongkong bunsod na nagaganap na kilos protesta sa naturang bansa.

Ayon sa DFA, binibigyan na ng assistance ng konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong ang isang Pinoy na naunang nadakip dahil sa pakikilahok nito sa kilos protesta.

Pansamantalang hindi muna binanggit ang pangalan nito.

Ayon kay Deputy Consul General to Hong Kong Germinia Aguilar-Usudan nasa mabuting kondisyon aniya ang Pinoy nang bisitahin nila ito.

Magugunitang inaresto ang Pinoy ng Hong Kong police dahil sa umano’y pagsama nito sa isinagawang kilos protesta sa nasabing bansa.

Subalit itinanggi nito na hindi siya nakilahok kundi napadaan lang siya sa gilid nang magsagawa ng pagkilos at bibili lamang umano ito  ng pagkain.

Tiniyak naman ng konsulada, na lahat ng tulong ay gagawin nila para makalaya ito.

Nakipag-ugnayan na rin ang konsulada sa mga awtoridad sa Hongkong at sa abogado ng Pinoy na naaresto hinggil sa imbestigasyon dito.

Pinayuhan naman ng Konsulada ang mga Pinoy sa Hongkong na gawin ang dagdag na pag iingat at iwasan ang lumapit sa mga lugar kung saan nagsagawa ng mga kilos protesta.

Pinaiiwas din silang magsuot ng damit na kulay puti at itim upang hindi sila mapagkamalan na nakikilahok sa kilos protesta.

165

Related posts

Leave a Comment