KABUTIHANG LOOB SA KAAWAY NI DATING
PANGULONG ELPIDIO QUIRINO
Iba rin naman ang kabutihang loob ni dating Pangulong Elpidio Quirino noong kanyang kapanahunan.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, napatay ang asawa at tatlong anak ni Pangulong Quirino ng mga puwersa ng mga Hapon.
Gayunman, matapos ang isang taon buhat ng digmaang iyon ay nagpatawad ito at nagbigay ng executive clemency sa 437 Japanese na mga bilanggo ng giyera at Filipino collaborators.
Kaya naman sa kanyang naging talumpati noong Pebrero 1953, sa harap ng Philippines-Japan Youth Conference, inihayag nito na, “Personally, were I to consider that my wife and my three children were all killed by Japanese machine-guns, I would swallow the Japanese allies now; but I am not living in the world alone. I have my remaining children and their children to follow. I am not going to allow them to inherit feelings of revenge nor will I allow anybody to block any understanding that will make our two peoples happy and will enable us to solve our common problems on a better basis than we have so far discovered.”
DATING PANGULONG RAMON MAGSAYSAY:
BAYANING WALA SA LIBINGAN NG MGA BAYANI
Si dating Pangulong Ramon Magsaysay ay nagsilbing ikapitong president ng Pilipinas mula noong Disyembre 30, 1953 hanggang sa mamatay ito sa isang aircraft disaster noong Disyembre 30, 1957.
Si Magsaysay ay ikatlong pangulong inilibing sa Manila North Cemetery.
Siya rin ang isa sa nagpalit ng pangalan mula sa Republic Memorial Cemetery na maging “Libingan ng mga Bayani” noong 1954. Ito ay itinatag bilang pag-alala sa kadakilaan ng mga Filipinong sundalong nakipaglaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
FERNANDO AMORSOLO AT ANG MARCA DEMONIO
Natatangi ang label ng produktong Ginebra San Miguel dahil ito ay dinisenyo ni Fernando Amorsolo. Ang may-ari ng Casa Roxas (successor ng Ayala Corporation, na siyang unang may-ari ng brand, na Ginebra noong 1843) ay labis na humanga sa kanyang galing kaya’t nag-alok ito na pondohan ang karagdagang edukasyon ni Amorsolo. Kinuha niya ang entrance exam sa Academia de San Fernando sa Madrid ngunit hindi ito tinanggap bilang isang mag-aaral dahil sa naging resulta. Sa halip ay ibinalita sa kanya ng naturang paaralan na tinatanggap nila si Amorsolo bilang propesor. Kaya naman, ang kuwento sa likod ng label ay marca demonio.
KONSTRUKSYON NG TULAY NA
UMABOT NG HALOS APAT NA DEKADA
Ang 180-metrong Aluling Bridge na kumukonekta sa Ilocos Sur at Mountain Province ay napakatagal bago ito natapos.
Bago tuluyang natapos ang konstruksyon ng naturang tulay ay tumulay pa ito sa anim na naging pangulo ng Pilipinas o tumagal nang halos apat na dekada.
Sinimulan ito noong 1978 sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at natapos na lamang sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
ANG JEEPNEY NG MGA PINOY NA
NAGMULA SA MGA KANO
Ang popular na public transportasyon sa Pilipinas na jeepney ay nagmula sa Amerika. Dinala ito ng mga sundalong Amerikano noong 1940s bilang military jeepney.
Nang maiwan ito ng mga Kano sa bansa, ay naisip ng mga Pinoy na ibahin ito, pagandahin at gawing sasakyan ng mga publiko bilang bahagi ng transportasyon sa bansa.
Samantala ang kilalang Pinoy jeepney brand ay ang Sarao. Nagsimula sila noong 1953 at nakilala pa sa buong mundo. Ang founder nito ay si Leonardo Sarao para sa Sarao Motors. Si Sarao ay dating kutsero o kalesa driver. Sa kanyang kahusayan marami sa kanyang produkto ay ini-export sa Japan, Malaysia at Japan. Naging bahagi rin ito ng exhibiting sa New York World’s Fair.
Noong 1974, ginamit ang Sarao jeepney para sa Miss Universe motorcade.
NUMBER FEVER NG SOFTDRINK NAUWI SA GULO
Sinong makalilimot sa promo noon ng Pepsi sa kanilang Number Fever noong 1993?
Ang promo ay maaaring manalo ng isang milyon ang sinumang iinom at makakakita ng numerong 349 sa tansan ng kanilang softdrink. Ngunit dahil sa hindi maipaliwanag na pagkakamali ay nakapaglikha o nakapag-imprenta ang naturang kompanya ng 800,000 caps ng winning numbers.
Dahil dito maraming mga bumili at nanalo mula sa promo ang nagrereklamo sa kanilang sinapit.
Kaya naman, gumastos ng mahigit P200 milyon ang kompanya para mabayaran ang 500,000 disappointed claimants. Natapos ang kaso noong 2006.
FIRST SAME-SEX MARRIAGE SA ‘PINAS
May nangyaring pag-iisang dibdib sa hanay ng LGBT o lesbian, gay, bisexual, at transgender at ito ay naganap sa loob ng samahan ng New People’s Army o NPA.
Dalawang miyembro ng NPA na pawang mga lalaki ang ikinasal na sina Ka Jose at Ka Andres at ito ay nangyari noong Pebrero 2005 sa Compostela Valley sa Mindanao.
Dinaluhan ang kanilang kasal ng kanilang pamilya at mga kaibigan.
Bilang simbolo ng kanilang commitment sa armed struggle, habang sila ay ikinakasal ay magkahawak ang kanilang mga kamay at may hawak ding mga bullet.
BENIGNO AQUINO: PRESIDENTENG WALANG ASAWA
Ang dating pangulo na si Benigno Aquino III ay ang kauna-unahang president ng Pilipinas na binata at anak ng dating pangulong si Corazon Aquino. Siya ang pangalawang presidente na anak din ng dating pangulo (si Gloria Macapagal-Arroyo ang isa pa).
PINAKAMALAKING PERLAS SA MUNDO NASA ‘PINAS
Ang pinakamalaking perlas sa mundo ay nadiskubre ng isang Pinoy diver noong 1934 sa Palawan Sea.
Ang perlas na pinaniniwalaang may 600 taon na ay tinawag na “Pearl of Lao Tzu,” or “Pearl of Allah,” ay tumitimbang ng 14 pounds (6.35 kilogram) at may sukat na 9.5 inches (24 cm) na haba at 5.5 inches (.4cm) in diameter.
Ang naturang perlas ay may halagang mahigit sa US$40 milyon.
PILIPINAS: MABILIS SA PAGDAMI NG POPULASYON SA BUONG MUNDO
Ang bansa ay may populasyon nang mahigit sa 100 milyong tao at tayo ay kinilala sa mundo na ika-12 pinakamaraming populasyon. Ito ay dahil mayroon tayong annual growth rate na aabot sa 2%, ibig sabihin tayo ang isa sa “fastest growing countries in the world.”
192