ISANG bagong bagyo ang lumalapit sa bansa kapalit ng umalis na si ‘Ineng’ at inaasahang mabubuo sa susunod na 36-oras.
Namataan ang low pressure area sa 770 kilometers east ng Guiuan, Eastern Samar, ayon kay Pagasa weather specialist Ezra Bulquerin.
Inaasahang babagsak ito sa northern Luzon.
Bubuhos pa rin ang ulan bunsod ng habagat sa Mimaropa, Bicol, Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula, dagdag pa ni Pagasa weather forecaster Meno Mendoza.
Ang Metro Manila at iba pang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap na may localized thunderstorms sa hapon o gabi.
207