MAYOR NA WALANG ‘CLEARING OPS’, LAGOT SA DILG

dilg44

(NI TJ DELOS REYES)

MULING inulit ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kakasuhan o mahaharap sa suspensiyon ang sinumang alkalde na hindi sumunod sa clearing operation sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Kahapon, sinabi ng kalihim na magtatapos ang 60-day road clearing operations sa September 29 at sa nasabing petsa, magsasagawa ang DILG ng pagsisiysat o review kung sinuman ang hindi nakasunod sa kautusan.

Ayon kay Año, nasa 43.3 percent na ng mga LGU sa buong bansa ang compliant na sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nangunguna rito ang National Capital Region.

“We are pleased with the support and compliance of Metro mayors to the presidential directive but we need to do more and we expect them to sustain their efforts in order to help clear the streets of Metro Manila” saad pa ni Año.

Napag-alaman na sa NCR, limang mga lungsod na ang 100 percent compliant na pinangungunahan ng Marikina, Pasay, Navotas, Malabon at San Juan habang ang Quezon City naman ang siyang nangungulelat dahil sa mga pasaway na  vendors na bumabalik at nagtatayo muli ng kanilang stalls.

“As of today, a total of 139,959 meters of roads and 52,831 meters of sidewalk in Metro Manila have been reportedly cleared of obstructions and illegal structures. Our operations further resulted to 1,444 illegal vendors, 49 terminals, tricycle, jeepney, pedicab etc, displaced from our roads. Further a sizeable portion of all LGU’s nationwide or 43.3 percent have reported conductiong road-clearing operations in their localities.” dagdag pa ni Año.

Sinabi pa ni Año na matapos ang itinakdang deadline ay kanilang bibigyan ng show cause order ang mga LGUs na hindi makakatugon bago sila patawan ng parusa.

Tiniyak din ng kalihim na kanilang parurusahan ang mga LGUs na magsisinungaling sa kanilang report sa accomplishment sa kanilang road-clearing operations habang papanagutin din o kakasuhan ng DILG ang mga vendor na muling babalik sa lansangan.

225

Related posts

Leave a Comment