KADIWA STORES BINUHAY NI IMEE

(NI DANG SAMSON-GARCIA/PHOTO BY DANNY BACOLOD)

BINUHAY ni Senador Imee Marcos ang Kadiwa Stores na isa sa mga programa ng kanyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Marcos, layun ng kanyang programa na mabigyan ng mga produktong may mababang presyo ang publiko lalo na ngayong Ber Months.

Layun din nito na masawata ang pag-aabuso ng mga convenient stores  sa pagtataas ng kanilang mga presyo.

“Nag-uumpisa na rin magtaasan lalo na sa ating mga convenient store kaya wag natin hahayaan na magsitaas ng Ber months. Kaya eto ang Kadiwa,” saad ni Marcos sa paglulunsad nito ng Kadiwa Store sa Caloocan City.

Nagtungo rin para sa Kadiwa Store sa Quezon City si Marcos na sinalubong ng mga supporters at mga mamimili.

Target ng senador na makapaglunsad ng Kadiwa Stores sa buong Metro Manila subalit hindi anya inaalis na posibleng lumawak pa ito sa mga lalawigan.

“Medyo NCR lang muna ang effort tapos pag naayos na, meron na rin gustong makipagpartner sa Iloilo at Cebu,” diin ng senador.

Makikipag-ugnayan din anya sila sa Department of Trade and Industry at Department of Agriculture upang magkaroon din ng iba pang mga produkto, kasama na ang mga agricultural products.

Bukod sa Kadiwa, nais ding buhayin ng senador ang nutriban sa mga paaralan.

“Medyo ine-effort pa rin ang nutribun. Hindi talaga makuha ang formula. Kadiwa na muna,” diin ng mambabatas.

 

 

189

Related posts

Leave a Comment