(NI DANG SAMSON-GARCIA)
IPINABA-BAN din sa Pilipinas ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang dalawang senador ng Estados Unidos na nagsulong ng resolusyon na ipagbawal ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa sinasabing ‘politically-motivated imprisonment’ ni Senador Leila de Lima.
“Yang dalawang senador na ‘yan nakakaloko kayo. Wag kayo makialam dito. Mind you own business. Respetuhin n’yo ang aming judicial system,” saad ni Go.
Nanindigan ang senador na nasunod ang proseso ng batas sa kasong droga ni de Lima.
“Ako may tiwala ako sa ating judiciary. Yung kaso po ni Sen. De Lima it was affirmed by the Supreme Court. ‘Wag kayo nakikinig sa mga chismis sa mga sulsol lang dyan, nakikialam kayo dyan,” diin pa ni Go.
Una nang inaprubahan ng US Senate committee ang amendment sa isa sa panukala na ipagbawal sa Estados Unidos ang sinumang Philippine government official na sangkot sa pagkakakulong ni de Lima.
Ang resolusyon ay isinulong nina US Senator Dick Durbin at Patrick Leahy.
Umalma rin sa resolusyon sina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senador Richard Gordon.
“US Sen. Durbin’s amendment means that 9 Supreme Court justices who affirmed the validity of the arrest order vs Sen. de Lima, 2 RTC judges who issued the arrest warrants, the prosecutors who filed the information and the witnesses who testified will all be banned from entering the US. Fair?” tanong ni Lacson sa kanyang tweet.
Ipinaalala naman ni Sotto na hindi na Commonwealth ng Estados Unidos ang Pilipinas kaya’t wala silang karapatang panghimasukan ang internal affairs ng bansa.
“May I echo the sentiment that the time for the United States to pull strings attached to their offer of financial aid is long gone. Mentoring us in the ways of democracy and due process smacks of racism and superiority complex. We are no longer the Commonwealth of the Philippines. The Commodore Deweys of today can no longer bully and deceive the Filipino. Natuto na tayo,” saad ni Sotto.
“Unang-una panghihimasok yan, may courts tayo tumatakbo, pwede ka magbail, may abogado ka, ba’t kayo makikialam?” giit naman ni Gordon kasabay ng pagsasabing dapat nang tigilan ng mga US senators ang pambu-bully sa Pilipinas.
169