APELA NI IMEE: PGH BUDGET ‘WAG TAPYASAN

(NI NOEL ABUEL)

UMAPELA si Senador Imee Marcos sa Department of Budget and Management (DBM) na huwag bawasan ang pondo ng Philippine General Hospital (PGH).

Ayon sa senador, na kulang na kulang ang  kasalukuyang pondo sa serbisyong medikal ng pambansang ospital kung kaya’t hindi katanggap-tanggap na bawasan pa ang pondo nito.

Kasabay nito, tiniyak ni Marcos na gagawan nito ng paraan upang manatili ang kasalukuyang pondo o di kaya ay taasan pa ang badyet ng PGH.

Ginawa ng senadora  ang pahayag sa kabila ng ibinalik ng House of Representatives ang P200-M na alokasyon sa state-run hospital.

“Please help restore the budget cut. Better still increase it. Pay it a visit and witness the crying need of many poor and middle class patients,” giit ni Marcos.

Sa halip aniya na kaltasan, umapela si Marcos sa mga mambabatas na ibalik o kaya ay dagdagan pa ang pondo para makaagapay sa daan-daang mahihirap na pasyenteng siksikan at dumadaing ng tulong sa PGH dulot ng ibat ibang uri ng sakit.

Sa ilalim ng 2019 budget, umaabot sa P2.198-Billion ang alokasyon sa medical services ng PGH, kabilang na ang mga gamot, medical equipment at supplies.

“Kahit ni-restore ang P200 million sa Kongreso, kulang na kulang pa rin ito para matugunan ang pagpapagamot ng mga mahihirap na pasyente at ang pag-upgrade ng mga pasilidad ng PGH. Kung tutuusin, aabot lang sa P7,994,520 per day ang nakalaan sa medical services ngayong taon,” dagdag pa ni Imee.

Sa panukalang 2020 budget, umaabot na lang sa P2.77-B o natapyasan ng 14 porsyento katumbas ng P456-M ang  kasalukuyang pondo na P3.23-Billion.

 

139

Related posts

Leave a Comment