5TH STRAIGHT WIN, IKOKONEKTA NG TNT

MGA LARO NGAYON:

(CUNETA ASTRODOME)

4:30 P.M. — NORTHPORT VS TNT

7:00 P.M. — RAIN OR SHINE VS PHOENIX

(NI JJ TORRES)

DEPENSA ang magiging pangunahing focus ng TNT KaTropa sa kanilang tangka na makuha ang ikalimang sunod na panalo ngayong hapon kontra NorthPort Batang Pier sa PBA Governors’ Cup sa Cuneta Astrodome.

Itataya ng KaTropa ang kanilang unbeaten record sa laro na magsisimula ng alas-4:30 ng hapon, ngunit aminado sila na hindi lang puro opensa ang kailangan nilang atupagin.

Kahit tinalo nila ang Phoenix Pulse Fuel Masters at Columbian Dyip sa huling dalawang laro ay hindi pa rin kontento sina coach Bong Ravena at consultant Mark Dickel sa kanilang nilalaro.

Nanaig ang TNT laban sa Phoenix, 123-118, noong Oktubre 2 sa Smart Araneta Coliseum bago makalusot sa Columbian, 125-120 nitong Sabado sa Ynares Center, Antipolo City.

Ang import na si KJ McDaniels at ang locals na sina Jayson Castro, Roger Pogoy, Troy Rosario at Don Trollano ay target na ma-improve ang performance ng KaTropa laban ang nahihingalong Batang Pier na may record na 1-3.

Gusto ring baguhin ng Phoenix at Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang mga record sa second game sa alas-7:00 ng gabi.

Halos nasa ibaba na ng standings ang Fuel Masters sa kartadang 1-4 habang ang Elasto Painters ay may record namang 1-3.

Dalawang sunod na talo ang pinatikim sa Phoenix ng TNT at Meralco Bolts (111-94) noong Linggo, at aminado si coach Louie Alas na kailangan na ng sense of urgency para mapanatili ang kanilang playoff chances.

Ang Rain or Shine naman ay tinalo ng defending champion Magnolia Hotshots Pambansang Manok noong Biyernes 69-68 sa Mall of Asia Arena.

122

Related posts

Leave a Comment