UAAP SEASON 82 TAEKWONDO: NU, UE JINS NAGDOMINA

NAGTALA ang reigning back-to-back champion National University ng magkahiwalay na panalo, kasabay ng pagdomina ng University of the East sa Day One ng UAAP Season 82 Men’s Taekwondo tournament sa Blue Eagle gym.

Si national team mainstay Keno Mendoza ay tinalo si Mark Gacilos ng De La Salle para ibigay sa Bulldogs ang ikalawang panalo.

Humulagpos si Mendoza mula sa 13-all tie para talunin si Facilos, 22-21.

Una nang winalis ng defending champios ang Ateneo, 7-0.

“So, sobrang naghirap kami sa training namin kaya pinush namin yung bawat isa na makakuha ng panalo para sa championship,” lahad ni Mendoza.

Sa panig ng UE, binokya nito ang University of the Philippines, 7-0, bago dinomina ang Ateneo, 5-2, para makadikit sa NU.

Nanguna sa atake ng Red Warriors si flyweight Lawrence Borres, na nagtapon lang ng 10 points sa kanyang dalawang laro para kumulekta ng 46 points.

Ang La Salle at UST ay may 1-1 slates para magtabla sa third spot.

Unang nanaig ang Green Jins laban sa Tiger Jins, 4-3, bago rumesbak ang Thomasians, 5-2.

Nagawa ring magtala ng unang panalo ang Ateneo, nang umiskor ng 4-3 laban sa FEU.

199

Related posts

Leave a Comment