UST TIGERS ‘DI IIWAN NI ABANDO

(NI JOSEPH BONIFACIO)

NATAPOS na ang ‘hulaan blues’ kung bakit hindi pinalaro ni UST Tigers coach Aldin Ayo si Renz Abando laban sa UP Fighting Maroons nitong Miyerkoles.

Kahapon ay nagharap-harap sina Abando, coach Ayo at si UST Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) director Fr. Jannel Abogado, OP at masinsinang nag-usap hinggil sa kontrobersyang bumabalot sa top player ng Tigers.

Ang resulta: Hindi aalis si Abando sa poder ng UST at tatapusin niya ang collegiate career bilang Tiger.

Sa nasabing laro kontra UP, na tinalo ng UST, 84-78, si Abando ay hindi naka-uniporme at nanood lamang sa laro.

Hindi nagsalita o nagbigay ng anumang pahayag si coach Ayo matapos ang laro.

At kahapon nga ay nalinawan na ang lahat.

Kinausap nila si Abando upang alamin ang nasa puso at isipan nito.

“Okay na,” lahad ni Ayo. “He’s always been committed to UST. And in-affirm niya sa amin sa team na he’s here until the end of his collegiate career.”

Ibinangko si Abando bunga ng mga nakarating na ulat kay Ayo, na may dalawang UAAP teams ang nagtatangkang sulutin ang 6’2” player mula sa UST.

Hindi naman malinaw kung inentertain ni Abando ang offer ng dalawang koponan.

“Gusto namin siyang maliwanagan,” dagdag pa ni Ayo. “Wala namang concrete offers, pero sinabi nga ni Rhenz sa amin na dito siya hanggang matapos ang UAAP career niya. Committed siya sa UST.”

Si Abando ay isa sa mga pangunahing manlalaro ni Ayo sa UST na nag-aaverage ng 11.8 points, 5.0 rebounds, 1.3 blocks, at 1.1 assists kada laro.

159

Related posts

Leave a Comment