RESCUE IN TANDEM SA BAWAT OSPITAL, IGINIIT

(NI NOEL ABUEL)

DAHIL sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga naaaksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga motorista ay panahon nang magkaroon ng rescue-in tandem.

Layon umano nito na agad marespondehan ang mga naaksidente o nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

Inihain ang panukalang batas ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. na magkaroon ng motorsiklong tagaresponde ang bawat ospital maging ito man ay pribado o pampubliko upang mas mabilis na matugunan ang tawag na emergency saan mang lugar.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1120 o, “An Act Mandating All Public and Private Medical Institutions and Hospitals to Provide for Motorcycle Medical Emergency First-Responders,” nais nitong matugunan ang matinding pangangailangan ng isang maysakit o biktima ng vehicular accident.

Paliwanag ng senador, dahil umano sa kasalukuyang sitwasyong dinaranas ng ating bansa sa sobrang pagsisikip ng trapiko ay marami ang hindi na umaabot sa pagamutan dahil hindi agad na narespondehan para bigyan ng karampatang lunas.

Kabilang na sa panukalang batas na ito ang bulubunduking bahagi ng mga lalawigan at karatig-bayan na nagkakaroon ng malalang sitwasyon tulad ng atake sa puso at ibang kahalintulad nito na dapat ay mabigyan ng paunang lunas hanggang sa makaabot sa ospital.

Naniniwala si Revilla na sa pamamagitan ng motorcycle first responder ay maiibsan ang pagkasawi ng sino mang nasa delikadong stiwasyon dahil agad na mabibigyan ng paunang lunas.

“Mahalaga ang bawat segundo ng nag-aagaw-buhay at lubhang napakahalaga nang pagresponde ng isang mahusay na rescue-in-tandem lulan ng motosiklo” paliwanag ni Revilla.

 

271

Related posts

Leave a Comment