GOLD COLLECTION NI DIAZ KUMPLETO NA

NADAGDAGAN ang gold medal collection ni Pinay weightlifter Hidilyn Diaz nang sa wakas ay nanalo sa women’s 55-kilogram division ng 30th Southeast Asian Games weightlifting competitions kanina sa Ninoy Aquino Stadium.
Napasakamay ni Diaz ang mailap na ginto sa biennial meet matapos bumuhat ng 91 kilograms sa snatch at 120 sa clean and jerk para sa total na 211.
Ito ay higit na mataas sa 207 total niya nang makaginto rin sa nakaraang Asian Games.
Napunta sa Vietnam ang silver (197), habang bronze ang Indonesia (175).
Nagmukhang madali lang para sa Olympic silver medalist at reigning Asian Games champion ang panalo, na sa wakas ay nakuha na rin ang ginto matapos ang ilang pagtatangka sa mga nakaraang SEAG editon. (PHOTO BY MJ ROMERO)

157

Related posts

Leave a Comment