PAGPUTOL NG MGA PUNO SA MAYNILA IPINATITIGIL SA KORTE SUPREMA

NAGSAGAWA ng pagkilos ang mga grupo ng mga estudyante sa Korte Suprema upang hilingin ang pagpapatigil sa pagputol ng mga puno sa Maynila kaugnay ng planong pagtatayo ng Southern Access Link Expressway (SALEX).

Naghain ng petisyon ang mga estudyante upang pigilan ang San Miguel Corporation (SMC) sa pagputol ng mga puno sa kahabaan ng Quirino Avenue at Roxas Boulevard bilang bahagi ng proyekto.

Ayon sa isa sa mga petitioner na si Joaquin Bautista, humiling sila sa Korte Suprema na magpalabas ng Temporary Environmental Protection Order (TEPO) laban sa SMC SALEX Corp.

Sa kanilang petisyon, hiniling din nilang ideklarang labag sa Saligang Batas ang Section 23 ng Republic Act No. 11966 o ang Public-Private Partnership (PPP) Code.

Hiniling din ng mga petitioner na ipawalang-bisa ang naging kautusan ng Manila Regional Trial Court Branch 41 kaugnay ng kanilang naunang petisyon laban sa proyekto ng SALEX.

Kabilang sa mga respondent sa petisyon sina Manila RTC Branch 41 Presiding Judge Rosalyn Mislos-Loja, SMC SALEX Corp., at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

(JULIET PACOT)

58

Related posts

Leave a Comment