(NI ROSE PULGAR)
MAKALIPAS ang tatlong linggong sunud-sunod na dagdag-bawas sa presyo sa mga produktong petrolyo, bukas, Martes ng umaga (Disyembre 3), ay magpapatupad ng pagtataas sa presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa.
Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, Total Philippines Phoenix at PTT Philippines ang dagdag presyo na P0.30 kada litro ng gasolina, P0.50 kada litro sa kerosene at P0.65 sa diesel na epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga.
Inaasahan naman na susunod na magpapatupad ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.
Ang ipinatupad na malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
Magugunitang huling nagpatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo noong Nobyembre 26 na nasa P0.20 kada litro sa gasolina at P0.10 kada litro naman sa diesel at kerosene.
318