SENADO KIKILOS VS MANILA WATER, MAYNILAD

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

SUPORTADO ng mga senador ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat busisiin ang kontrata ng mga water concessionaire na Maynilad at Manila Water Co.

Ayon kay Senador Francis Tolentino, may oversight function ang Kongreso dahil sila ang nagbigay ng prangkisa kaya’t may kapangyarihan din silang busisiin ang pagtupad ng mga kumpanya sa kontrata.

“As the one who gave the franchise, that’s part of the oversighy of Congress. Probably it will lead to that investigation,” saad ni Tolentino.

“The President is always on the side of the people. ‘Yung wag maagrabyado and that’s part of his constitutional duty, so hindi ito knee-jerk reaction na natalo,” diin pa ng senador.

Ipinaalala naman ni Senador Imee Marcos na kinikilalang human rights ang pagkakaroon ng access sa malinis na tubig at hindi lamang ito basta pangangailangan.

Iginiit ni Marcos na hindi lamang imbestigasyon ang dapat gawin kundi tiyaking mapapanagot ang mga kumpanya kung mapatutunayang bigo sila sa pagtupad sa tungkulin.

“Water is universally recognized as a human right, not merely a commodity. I support PRRD’s desire to assail these onerous contract that deprive Filipinos of both their right to water as well as impose liabilities upon Philippine govt even when service and supply fails,” saad ni Marcos.

“After hearing his explanation last night on how we are being taken for a ride by these concessionaires, I told him (President Duterte) I’m supporting him 100% on the issue,” saad naman ni Senate President Tito Sotto.

MGA SENADOR, DI KASAMA SA PAGBUO NG AGREEEMENT

Itinanggi naman ng dalawang senador na may kinalaman ang mga mambabatas sa pagbalangkas ng concession agreement sa dalawang kumpanya.

Ito ay makaraang kwestyunin ni Duterte ang posibleng kinalaman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagbuo ng kasunduan.

“I did not in any manner participate in the drafting of the concession agreement,” tahasang pahayag ni Drilon.

Sinegundahan naman ito ni Senador Ralph Recto na naggiit na kahit kailan ay hindi nakikialam ang mga senador sa pagbuo ng mga concession agreement.

“Senators were not part of crafting any agreement then and now,” diin ni Recto.

154

Related posts

Leave a Comment