SSS, GSIS MAY ALOK NA PAUTANG SA BIKTIMA NG BAGYONG TISOY

(NI ABBY MENDOZA)

BILANG tulong sa may 90,000 pamilya na nasalanta ng bagyong Tisoy, bukas ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS) at iba pang financial institutions para magbigay ng pautang.

Ayon kay GSIS Senior Vice President Joseph Philip Andres ang mga government employee ay maaaring mag-avail ng kanilang emergency loan at finance assistance loan pna hanggang P20,000 na maaaring bayaran sa 8% interest sa loob ng 3 taon.

Sinabi naman ni  SSS Assistant Vice President for Member Loans Department Boobie Angela Ocay na hanggang Pebrero 2020 maaaring mag avail ng kanilang pautang, ang mga SSS member ay maaari  mag avail ng kanilang 3 loan package; una ay calamity loan assistance na maaaring bayaran sa 10% interest sa loob ng 2 taon; ikalawa ay mag-advance ng 3 buwan na pensyon at ikatlo ay mag avail ng direct house repair moratorium program.

May lending institutions din gaya ng Land Bank of the Philippines ang maaaring lapitan ng mga magsasaka na nalugi sa kanilang pananim  habang PhilGuarantee Corporation naman ay maaaring lapitan ng mga negosyante na nangangaioangan ng financial assistance.

Sa kaugnay na balita, nagbigay na ng paunang ayuda ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyo.

Ani Agriculture Secretary William Dar, naglabas na ang DA ng P250 miyon pondo para sa rehabilitasyon sa mga sakahan at palaisdaan na winasak ng bagyo sa Bicol Region, Calabarzon at sa Mimaropa.

Sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay nasa 90,000 pamilya o mahigit 362,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Tisoy matapos itong manalasa sa Regions 3, 5 at 8.

 

189

Related posts

Leave a Comment