KULONG, MULTA SA MAGNANAKAW NG ROAD SIGNAGE, WARNING DEVICE

(NI BERNARD TAGUINOD)

IPINAGTIBAY na sa House committee on revision and laws at nakatakdang pagdebatehan na sa plenaryo ng Kamara ang panukalang magpataw ng hanggang 15 taong pagkakakulong sa mga magnanakaw ng mga signage at warning device na isa sa mga dahilan ng napakaraming aksidente sa mga lansangan.

Ayon kay House deputy speaker Rameo Abu, bukod sa pagkakakulong mula 12 taon hanggang 15 taon ay pagmumultahin din ng mula P200,000 hanggang P300,000 ang sinumang mahuhuling nagkanaw ng mga road signage at warning device.

“These (road signs and warning devices) are installed as safeguards to motorists and  pedestrians to avoid loss of lives,” subalit ninanakaw aniya ang mga ito kaya maraming aksidente sa lansangan lalo na sa mga national highway na ikinamatay ng maraming motorista.

Sinabi ng mambabatas  na base sa  datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH), umaabot sa 42, 558 pieces  signage at warning devices na nakakabit sa mga lansangan ang ninakaw at sinira mula January 24, 2013.

Ito ang isa sa mga dahilan kaya napagtala aniya ang Philippine National Police—Highway Patrol Group (PNP-HPG) ng 15, 272 road accident mula Hunyo 2016 sa buong bansa na ikinamatay ng 1,252 katao at pataas na pataas umano ang bilang ng mga ito dahil ninanakaw ang road signage at warning devices.

Sa ngayon ay simpleng theft lamang umano ang isinasampa sa mga taong nagnanakaw ng mga road signage na may mabababang parusa subalit kailangang taasan na aniya ang parusa sa mga ito dahil sila ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga aksidente.

Ang mga maninira naman ay sa mga signage at warning device, kasama na ang manhole covers at iba pang kagamitan na pag-aari ng gobyerno, ay pagmumultahin ng mula P100,000 hanggang P150,000 at kulong na hindi bababa sa 6 na taon hanggang 10 taon.

 

 

430

Related posts

Leave a Comment