HINDI maitatangging masarap makipag-hangout sa barkada. Inom dito, inom doon. “Walwal tayo” sabi nga ng tropa.
Pero after the sessions, here comes the “hangover”. But worry no more! Dahil 11 minutes lang, tanggal na hangover mo.
Ayon sa Meditation teacher na si Rory Kinsella mula sa Sydney, kaunting minuto lamang ang kailangan para bumalik ang iyong pakiramdam sa normal after ng hangover.
Paano? Ginagamit daw ni Rory ang ancient techniques para sa mas mabilis na recovery.
“Taking a few minutes to reset and recharge will make you feel a lot better.”
“Meditation can help ease the psychological suffering so we’re left with just the much more manageable physical side.” Kaya naman hindi na raw siya magtataka kung after ng hangover at meditation session ay mapagpapasyahan mo pang maging mas productive sa araw na iyon.
Ang pinakamainam daw at pinakaunang step para mapabuti ang iyong pakiramdam ay itapon ang lahat ng hiya at guilt na iyong nararamdaman.
Aniya, huwag masyadong i-criticize ang sarili. Huwag magpadala sa mga problema na iyong dinadala. Gamitin daw natin ito “as a small bump in the road” at huwag umano tayong mabuhay sa nakaraan.
“Let’s start by letting go of any negative feelings you have. Any guilt and shame of being in hangover. Acceptance is the first step.”
Sa unang parte ng kaniyang session ay pinapayuhan muna niya ang manunuod na huminga nang malalim, hanggang sa ma-relax.
Matapos magawa ang breathing exercises ay pinapayuhan niya na igalaw ang ulo mula kanan pakaliwa, likod paharap, pagkatapos ay iikut-ikot nang dahan dahan at haplos-haplusin ang batok gamit ang iyong kamay.
Sa meditation exercise rin na ito ni Rory ay ipararamdam niya sa iyo na hindi masama na may hangover dahil nag-inom ka. Aniya, kaya lamang umiinom ang isang tao ay dahil mayroon siyang problema na tanging alcohol lang ang nakikitang pwedeng maging sagot upang maibsan ito kahit papaano.
Sa kalahating parte ng meditation ay papayuhan ka niyang kilalanin at suriin ang mga bagay na iniisip at nararamdaman mo.
Sa dulo at huling parte naman ng kaniyang meditation ay roon mo na mararamdaman ang super relaxing na pakiramdam, dahil papayuhan ka niyang isipin ang mga bagay na mahal mo at ipaparamdam sa iyo na busog na busog ka sa pagmamahal.
Lahat ng iniisip, problema at nararamdaman mo ay maiibsan sa pamamagitan lamang ng comforting words na sinasabi ni Rory.
Dagdag pa ng meditation teacher, humanap ka lang daw ng pinakamaganda at kumportableng posisyon para sa session na ito. Maaaring sa paghiga mo maramdaman ang pagiging kumportable kung hindi naman ay sa pag-upo.
Kung ikaw ay makaramdam ng antok habang pinakikinggan o pinanunuod ang meditation session at exercise niya ay pwedeng-pwede kang matulog dahil aniya “sleep is a great hangover cure.”
331