(NI BERNARD TAGUINOD)
KATUMBAS ng P16 kada araw ang umentong ibibigay sa mga rank-and-file employees sa inaprubahang Salary Standardization Law (SSL) 5 na ipatutupad sa susunod na taon.
Inarangkada ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala matapos sertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent bill dahil napondohan na ito sa 2020 nationa budget na nakatakdang lagdaan ng Pangulo bago mag-Pasko.
Sa ilalim ng SSL 5, itinaas sa 4.4% ang suweldo ng mga empleyado na may Salary Grade 11 subalit dahil P11,068 sahod ng mga ito ngayon ay umabot lamang sa P483 kada buwan ang kanilang umento.
Sinabi ni ACT party-list Rep. France Castro na ang P483 na umento sa pinakamababang empleyado ng gobyerno ay katumbas ng P16 kada araw ang itinaas ng kanilang sahod sa 2020.
“The proposed salary standardization law of 2019 will be implemented in four tranches, will only increase salaries of those under salary grade 1 by P483 in 2020, a P16 per day increase in the first tranche of implementation,” ani ACT party-list Rep. France Castro.
Sinabi ni Castro na hindi nakabubuhay ang P16 kada araw na dagdag sa budget ng mga maliliit na empleyado ng gobyerno dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo publiko.
“Para sa mga simpleng manggagawa ng gobyerno, ano ang mabibili ng dagdag na P16 kada araw?, “ tanong pa ng mambabatas.
Malayong malayo din aniya ito sa P16,000 na hinihingi ng mga militanteng mambabatas na sahod ng mga rank –and-file employees ng estado hindi lamang sa national government kundi sa local government unit (LGUs).
170