MALAMIG NA HANGIN KONTRA ANTUKING EMPLEYADO

ANTUKIN-5

NAPAPAKAMOT ka rin ba ng ulo kapag nakakakita ka ng empleyadong natutulog lang sa oras ng trabaho? May sagot na d’yan ang Japan, salamat sa bagong sistema na makaka-detect ng mga natutulog at saka bubugahan ang mga ito ng malamig na hangin.

Sinabi ng air conditioning manufacturer Daikin at electronics giant NEC na sinimulan na nila ang trial ng bagong system kung saan nagmu-monitor ito ng galaw ng mga pilik-mata ng mga empleyado gamit ang camera na nakakabit sa computer.

Automatic na bababa ang temperature sa opisina sa oras na maka-detect ito ng inaantok.

“We hope to introduce this system commercially in 2020,” sabi ng spokesman ng Daikin at sinabing ang trial ang nagsimula ngayong buwan ng July.

Gagamitin ng sistemang ito ang techno¬logy ng Daiken na automatic na ia-adjust ang temperatura at ang technology ng NEC na facial recognition para i-monitor ang iba’t ibang galaw ng pilik-mata na nangangahulugan ng antok.

Ito ay mas pinaganda matapos ang inisyal na pag-aaral ng kompanya kung ano ang pinakamadaling paraan para panatilihing alerto ang mga tao.

Sinubukan nilang babaan ang temperature ng kaunting degrees, pinataas ang brightness ng computer at nag-spray na rin ng aroma sa silid habang ang mga partisipante ay pinapagawa ng simple math sa loob ng isang oras.

“Our study proved that lowering temperature is effective… especially when the early signs of sleepiness are detected,” sabi ng kompanya sa isang joint statement.

217

Related posts

Leave a Comment