LAMBANOG POISONING PROBE PINATATAPOS SA DEC 28

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga ulat ng lambanog poisoning sa Laguna at Quezon at tapusin ito hanggang Disyembre 28.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inatasan sila na imbestigahan at ipasa ang report sa Malacanang.

Nasa 14 katao na ang namatay at daan katao ang naospital sa lambanog sa iba’t ibang lugar sa Rizal, Laguna at Quezon. Sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go na hihintayin ng Pangulo ang report sa Disyembre 28.

Sinabi ng Food and Drug Administration na lima sa pitong sample ng lambanog ang mayroong mataas na antas ng methanol.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Eric Domingo na 399 sa nalason ang naospital habang 39 pa ang nanatiling naka-confince sa Philippine General Hospital hanggang noong Huwebes.

190

Related posts

Leave a Comment