BIGLA ang pagsabog ng bulkang Taal noong hapon ng Linggo o isang araw matapos magbabala ang Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs) sa pan-ganib na kinakaharap ng mga naninirahan malapit sa bulkan.
Pero sa kabila ng sakunang dala ng bulkang Taal, mabilis na rumesponde ang mga lokal na pamahalaan at agad inilikas ang mga nainirahan sa “danger zone” mula hapon hanggang gabi ng Linggo.
Kabilang ang AFP-Southern Luzon Command (Solcom) na naka-base sa Camp Nakar sa mabilis na nagpadala ng mag “humanitarian assistance and disaster relief” (HADR) units sa mga lugar na nasa “danger zone” para tumulong sa evacuation ng mga resi-dente.
Sinabi ng SOLCOM public information officer na si Col. Dennis Cana na dalawang platoon din ng mga sundalo mula sa 2nd Infantry Division sa Tanay, Rizal ang naka-deploy sa Batangas para tumulong sa mga apektado ng bulkang Taal.
Buhay na buhay ang ispirito ng bayanihan sa sakuna sa Batangas at pati ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pamamagitan ng Disasater Risk Reduction Management Office (DRRRMO) ay nagpadala ng mga ambulansiyang nakaantabay para sa mga sugatan.
Nagdeploy din ng mga truck na may tubig ang Alpha Fire Brigade mula sa Maynila pa-ra mamahagi ng tubig sa mga nagsilikas na residente sa paligid ng bulkang Taal.
Pati ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nag-deploy ng 30 per-sonnel sa lalawigan ng Batangas para tumulong sa mga nasalanta ng pagsabog ng bulkan. Nakasakay ang mga tauhan ng MMDA sa tatlong military, tatlong ambulansiya, at dalawang fire trucks.
May dala rin ang MMDA na 10 portable water purifiers, self-contained breathing appa-ratus, compressors and refiller para sa mag biktima ng matinding pagbuhos ng abo mula sa bulkang Taal.
Kung buhay ang ispirito ng bayanihan sa sakuna sa Batangas, nakakita naman ng oportunidad ang mga walang-hiyang tao na pumakyaw ng mga N95 face mask na pananggalang sa masamang epekto ng mga nagliparang abo mula sa bulkang Taal.
Lahat halos ng mga outlet ng Mercury Drug sa Metro Manila at sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas at Rizal ay naubusan ng stock ng N95 face mask matapos may mga halang ang kaluluwa na pumakyaw ng mga ito para ibenta ng mas mahal.
Sa lungsod ng Maynila nabuko na ang N95 face mask na nagkakahalaga lamang ng mula P25 hanggang P30 ay i¬binebenta na ngayon sa halagang P200 o halos 10 beses na mas mahal sa orihinal na presyo.
Sa opisina ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan nakarating ang mga reklamo na sobrang mahal ang mga i¬binebentang N95 face mask sa ilang lugar sa Maynila. Acting mayor si Lacuna-Pangan matapos ma-stranded sa Hongkong si Manila Mayor Isko Moreno kasama ang kanyang pamilya.
Inutusan na ni Vice Mayor Lacuna ang Manila Bureau of Permits at Manila Licenses Office na magsagawa ng inspeksyon sa mga tindahan na overpriced ang N95 face mask.
Ito ang pahayag ni vice ma¬yor na isa ring doktora: “Huwag naman po natin gamitin ang pa¬nahon na ito para manamantala. Tandaan po natin, delikado po sa kalusugan nila ito. Ayaw ko pong makakita ng pasyenteng may asthma na itinakbo sa ospital dahil lang hindi siya makahanap o makabili ng mask.”
Tama lang na parusahan ang mga nagbebenta ng overpriced N95 face mask dahil wa-lang puwang ang kawalanghiyaan ng ganoong klase ng tao sa panahon ng sakuna kung saan nabubuhay ang ispirito ng bayanihan. (SIDEBAR / Raymond Burgos)
197