KAILANGANG muling talakayin ang isyu ng Republic Act 9653 o “Rent Control Act of 2009” dahil sa dami nang nagpadala ng e-mail sa inyong lingkod upang magtanong.
Para sa kaalaman ng milyon-milyong Filipino lalo na ang mga nangungupahan (rent-er) at maging nagpapaupa (landlord/lessor) ang RA 9653 ay naisabatas matapos lag-daan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Hulyo 14, 2009.
Ang tinutukoy na paupahan ay residential unit tulad ng apartment, bahay at tirahan tulad boarding houses, dormitories, rooms at bed spaces at iba pa lang espasyo na ini-aalok na maging tirahan kapalit ng upa.
Hindi kabilang ang motels, motel rooms, hotels, hotel rooms bagaman ginagamit itong tirahan.
Ngunit bahagi pa rin o sakop ng RA 9653 ang home industries, retail stores o iba pang gamit para sa negosyong layunin kung ang may-ari at ang kanyang pamilya ay nakati-ra rito.
Dapat mabatid ng mga umuupa na pinapayagan lamang sa mga residential unit ang 7% taunang pagtataas na okupado ng parehong nangungupahan subalit kung mabakante ang paupahan ay maaari nang magtakda ng panibagong pagtataas ng renta ang may-ari ng paupahan.
Sa usapin ng boarding houses, dormitories, rooms at bespaces na pinauupahan sa mga estudyante, walang magaganap na pagtaas ng renta ng mahigit isang beses sa loob ng bawat taon.
Base sa Sec. 5 (Coverage of this Act) ng RA 9653, ang lahat ng residential units sa National Capital Region (NCR) at iba pang highly urbanized cities, ang halaga ng bu-wanang renta ay mula P1 hanggang P10,000 sa lahat ng residential units may kontra-ta man o wala habang sa mga mga lugar naman ay mula P1 hanggang P5,000.
Sa Sec. 6 (Authority to Continue Rental Regulation) ay nakasaad naman na ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ang posibleng pagdulugan sakaling hindi magkaintindihan ang nangungupahan at nagpapaupa.
Nakasaad naman sa Sec. 13 (Penalties) na ang parusa sa hindi susunod sa pa-takaran ay posibleng multa nang hindi bababa sa P25,000 at hindi naman lalagpas sa P50,000 o pagkakakulong na hindi bababa sa isang (1) buwan at isang (1) araw at hindi naman lalampas sa anim (6) na buwan kapag napatunayan.
Kaya naman, pinapayuhan ang mga Lupon Tagapamayapa sa mga barangay na ala-min ang batas kaugnay sa pagpapaupa dahil sa kanila sa halip na sa HUDCC bumabagsak ang hindi pagkakaunawaan ng nangungupahan at nagpapaupa.
oOo
Para suhestiyon at reaksyon maaari pong mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com. (PUNA / Joel Amongo)
2116