LADY RED SPIKERS SOLO FOURTH NA

NASOLO ng San Beda University ang solo fourth sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament makaraang gapiin ang Emilio Aguinaldo College (EAC), Lunes sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Bumida para sa Lady Red Spikers sina Cesca Racraquin at Nieza Viray na nagtulong upang makuha ang 25-15, 25-16, 27-25 panalo at matuldukan ang two-game slide para panatilihing buhay ang tsansa na mapasama sa Final 4.

Nagsumite si Racraquin ng 22 points na may 18 kills at 3 aces, kasama ang 7 receptions at 9 digs, habang si Viray ay nagambag ng 13 points.

“I’m happy na na-break ‘yung slump and hopefully, tuloy-tuloy na,” masayang sabi ni Racraquin makaraan ang kanilang panalo.

Dahil sa 4-2 panalo-talong rekord ng San Beda, half a game ahead na ito sa Colegio de San Juan de Letran (3-2) sa race para sa last semifinals spot.

Mas lumapit din ang Lady Red Spikers sa University Perpetual Help at defending champion Arellano University na parehong may 5-1 records at nasa second place ng team standings.

“Kailangang talagang trabahuin ‘yung mga remaining games,” wika ni Lady Red Spikers mentor Mesio Gavino.

Nagtala si Cathrine Almazan ng 10 points at 12 digs para sa winless pa rin na Lady Generals (0-6). (EBG)

386

Related posts

Leave a Comment