Prostitusyon sa lungsod ni Isko LOLA, 18 PA NALAMBAT SA AVENIDA

NASAGIP ang 19 kababaihan, kabilang ang isang lola, mula sa prustitusyon sa lungsod ng Maynila.

Arestado naman ang isang lalaki na nagsisilbing kanilang bugaw.

ayon sa ulat, nagkasa ng operasyon ang mga pulis sa bahagi ng Rizal Avenue at Recto Avenue sa Santa Cruz district matapos makatanggap ng impormasyon na may nangyayaring prostitusyon doon.

Sinabi naman ni Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, commander ng Manila Police District Station 3, nasagip sa isinagawa nilang operasyon ang mga babaeng naaktuhan umanong nag-aalok ng kanilang mga serbisyo sa mga dumaraan sa mga kalsada sa nabanggit na lugar.

Kabilang sa nasagip ang ilang senior citizen, gaya ng 62-anyos na si alyas “Nicole.”

Kwento ni  “Nicole,” tatlong taon na niyang tinitiis ang pagbebenta sa sarili para maitaguyod ang apat na apo.

Natimbog naman ng mga awtoridad ang isang alyas “Mamu” dahil sa umano’y pambubugaw.

Nauna nang nadakip ang suspek noong 2016 dahil sa kasong human trafficking.

Sunod-sunod ang ikinasang operasyon kontra prostitusyon sa Metro Manila nitong nagdaang weekend.

Nasa 36 babae ang nasagip ng mga awtoridad sa Makati City sa dalawang  itinuturing sex den sa lungsod. (KIKO CUETO)

 

324

Related posts

Leave a Comment