ANG daming drama ang showbiz couples noong nakaraang Valentine’s Day, pero ang isa sa naaliw ako ‘yung napakalaking bouquet of flowers na surprise ni Xian Lim kay Kim Chiu. Kaya ipinost din agad ni Kim sa kanyang Instagram account para magpasalamat sa nobyo niya.
Gusto ko ‘yung samahan nina Xian at Kim dahil tahimik lang sila.
Alam naman ng lahat na sila pero may kanya-kanya silang trabaho, pero sa mga importanteng araw kagaya nitong Valentine’s Day, magkasama sila at ang sweet nilang dalawa.
Nabanggit nga sa akin ni Christopher de Leon na gustong-gusto raw niyang katrabaho sa ‘Love Thy Woman’ sina Xian at Kim. Tahimik lang daw sila sa set at napaka-professional daw nila katrabaho.
Magiging abala nga pala si Xian sa promo ng pelikula niyang ‘Untrue’ na magsu-showing na sa February 19.
Kasama ni Xian dito si Cristine Reyes na mas inabala ang sarili sa pagpu-promote ng ‘Untrue’ kesa i-celebrate ang Valentine’s Day.
Pangalawang Valentine’s Day na yata itong deadma na si Cristine.
Siyempre knows n’yo na wala na siyang ka-Valentine.
Naka-focus na lang siya sa anak niyang si Amarrah at magtatrabaho na lang daw siya. Yun na!
280 