NORA AUNOR WALANG PANAHON SA LOVE LIFE

lolitSa February 24 na pala magsisimula ang ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ na sumusunod sa Prima Donnas.

Ang sabi ng karamihan, sana pang-primetime daw talaga o sa gabi raw ang ‘Bilangin’ dahil sa ganda ng kuwento nito at maraming magagandang eksena.

Pero tingin ko naman mas okay na ‘yung sa hapon kasi pinapalakas na rin talaga ang afternoon drama ng GMA 7.

Ang lalaki na rin kaya ng mga teleserye ng ABS-CBN 2 kaya kahit sa hapon, primetime na rin iyun.

Noong pagkatapos nga ng mediacon nitong ‘Bilangin’, nagkasama na raw sa taping sina Nora Aunor at Kyline Alcantara. Ka-join din daw ang love interest dito ni Kyline na si Yasser Mata.

First scene daw na kasama ni Nora si Kyline ay maaksyon pa.

Bilib daw ang mga staff kay Ate Guy dahil hindi raw ito nagpa-double kahit medyo ma-action ang eksena.

Medyo kabado raw sina Kyline at Yasser, pero si Nora na raw ang nagpakampante sa kanila para maitawid nila ang eksena.

Nakuha naman daw nila isang take lang, at napaaksyon nga raw dito si Ate Guy.

Teka! May ka-Valentine kaya si Ate Guy nung nakaraang Valentine’s Day?

Tinanong daw sa kanya ‘yan noong nakaraang mediacon, wala naman daw sabi niya.

Wala na raw siyang panahon sa lovelife.

Talaga lang ha? Sige na nga Ate Guy!

 

399

Related posts

Leave a Comment