SAM, IPAPASYAL SA EUROPE ANG BAGONG MAKAKARELASYON

KABI-KABILA ang ginagawang proyekto ni Sam Concepcion ngayon. Bukod sa ‘Joseph the Dreamer’ na musical play na mapapanood mula February 21 hanggang March March 7 sa Maybank Performing Arts Theater, ay kabilang din ang singer-actor sa ‘Halfworlds’ na fantasy series naman ng HBO Asia. Wala umanong panahon ngayon sa buhay pag-ibig si Sam dahil abalang-abala sa lahat ng ginagawa. “Buti na lang medyo nadi-distract ako. I’m working on an HBO show, parang movie na rin ‘yon eh, it’s a series, eight episodes. One-hour episode each ‘yon so para kaming gumagawa ng apat na movie,” nakangiting pahayag ni Sam.

Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas nang huling nagkaroon ng kasintahan ang binata. Matatandaang naging kasintahan noon ni Sam sina Jasmin Curtis-Smith at Kiana Valenciano. Kapag may nobya ay ginagawa raw ng singer ang lahat ng makakaya upang maging masaya ang karelasyon. “Especially when I’m in a relationship I spend Valentine’s day with her of course. I would be the type to plan a trip. Dream date siguro would probably be a nice trip to Europe like Spain, mga ganyan. I’ve never been to Spain so nice ‘yon. Pero hindi naman surprise trip. But I’ve always been with someone in the past. I was always in a relationship so focus muna ako sa work and so far okay naman. I’m very happy,” pagbabahagi niya.

Aminado si Sam na talagang nahihirapan siya sa tuwing may karelasyon dahil na rin sa madalas silang nakikitang magkasama sa pampublikong lugar. “Mahirap kasi gawing private. This is the reality of the industry that we’re in and our line of work. But also, siguro I’ll take care of it. Not let whatever else affect it,” pagtatapos ng singer.

 

307

Related posts

Leave a Comment