NAGKAROON ng hindi pagkakaunawaan si JM de Guzman at ang ama sa loob ng dalawang taon. Kinailangan pa umanong magkaroon ng mamamagitan na ibang tao bago pa tuluyang nagkaayos ang mag-ama.
“’Yung huling away namin took us two years to process everything. Kasi ‘yung ‘hukay’ is malalim, since bata pa ako eh. So may kinailangan na mag-mediate like social worker para mag-meet halfway, magkaroon ng empathy,” pagtatapat ni JM.
Kamakailan ay naging emosyonal ang aktor sa ‘Magandang Buhay’ nang marinig ang mensaheng ibinigay ng ama. “I always thrive to be like you since I was a kid because you showed me how to be strong, how to be a dad to all of us. I admire how you handle yourself. I always wanted to be like that, be strong like you. Basta I love you, thanks for the the kind words. I’ll always make you proud. I’ll do my best,” naluluhang pahayag ni JM.
Aminado si JM na malaki ang naging takot niya sa ama lalo na noong kanyang kabataan. “No’ng bata ako sobra kasi akong takot sa kanya eh. Hindi talaga ako sumasagot as in zero response. Siguro no’ng tumanda na ako ng mga twenty one o twenty two (years old), doon ako nag-start na sumagot. Pero masakit sa akin na sumasagot ako at pumapalag na ako. Pero gusto ko lang din iparating sa kanya ‘yung nararamdaman ko. Kasi parang nasu-suppress lang siya eh. So sinasabi ko sa kanya,” kwento ng binata.
