COUP ATTEMPT SA KONGRESO PAKANA NI VELASCO – CAYETANO

INAMIN kahapon ni House Speaker Alan Peter Cayetano na chairmanship sa ilang committee sa Kamara at budget allocation ang ipinapangako ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco sa mga mambabatas sa harap ng usapin ng kudeta laban sa  pamumuno ng una.

Sinabi ni Cayetano, verified ang report ukol sa tangkang pagpapatalsik sa kanya bilang House Speaker ng kampo ni Velasco na mapapatunayan ng 20 mambabatas na lumapit sa kanya. Magkagayunman, hindi umano niya ito pinepersonal.

Nanindigan si Cayetano na bilang bahagi ng coalition bloc ni Pangulong Rodrigo Duterte, kanyang susundin ang napagkasunduan na term sharing kaya hindi na kailangan pa na magkudeta o mangako ng mga posisyon para matiyak lamang ang pwesto.

Kaya naman, pinayuhan nito ang mga chairman, chairpersons na hindi makapaghintay na umalis muna sa committee at bumalik na lang kapag si Velasco na ang House Speaker.

Nagbanta din si Cayetano sa mga kaalyado ni Velasco sa Kamara na tumigil na ang mga ito sa paggamit ng isyu ng budget at ABS-CBN franchise. ABBY MENDOZA

 

 

292

Related posts

Leave a Comment