DEDMA lang ang Malakanyang sa muling pag- init ng girian sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco
Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, tanging ang nga kongresista lang ang dapat na magresolba ng usapin at sila rin dapat ang magdesisyon sa anumang kasunduang mabubuo.
Wala namang nakikitang problema si Panelo at naniniwala siya sa sinabi ni Cayetano na susunod ito sa napagkasunduan habang si Velasco naman ay nagsabing tatalima sa gentleman’s agreement kaugnay sa term sharing.
Iginiit ni Panelo na hindi makikialam ang pangulo sa away ng dalawang lider ng Kamara dahil kapwa niya kapanalig ang mga ito. CHRISTIAN DALE
339 