KC CONCEPCION SEXY PA RIN KAHIT MALUSOG

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Present ang halos lahat na mga taga-Cornerstone sa pag-iisang dibdib nina JayR at Mica Javier na ginanap sa Boracay noong nakaraang Linggo, March 1.

Nakita pa lang namin so far sa mga ipinu-post nila sa kani-kanilang Instagram account at ang isa sa napansin namin doon ay si KC Concepcion.

Hindi lang ako sure kung Cornerstone na rin ba ang may hawak sa kanya.

Meron silang welcome dinner noong Sabado ng gabi na dinaluhan ng mga kaibigan at mga kapwa-Cornerstone artists gaya nina Jason Dy, Coleen Garcia, Jaya.

Nag-comment pa nga si Erik Santos na hahabol daw siya.

Nakaw-eksena din ang post ni KC na naka-two piece at ang sexy pa rin niya kahit medyo malusog ito. Pero maliit ang braso, kaya keri naman niyang magpa-sexy.

Matagal ding pinlano nina JayR at Mica ang kasal na ito sa Boracay dahil noong 2018 pa sila engaged.

Gusto raw muna nilang pag-ipunan at paghandaan ang kanilang kasal, at tamang-tama lang nga itong March 1, 2020.

Congratulations at best wishes sa bagong kasal na sina JayR Sillona at Mica Javier!

AIAI: ‘SARAH DAPAT NANG HAYAAN NI MOMMY DIVINE’

AIAI123SEE: Nakakatawa ang kuwento ni Aiai delas Alas tungkol kay Mommy Divine nang hiningan namin siya ng opinyon sa kasalan nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Nagkuwento si Aiai tungkol kina Sarah at ang nakatatawang experience niya kay Mommy Divine nung nakasama sila sa teleseryeng ‘Bituing Walang Ningning’.

Nakatsikahan namin ito nong Sabado sa opening ng panibagong branch ng Shinagawa Lasik and Aesthetics sa 21st floor ng ORE Central Building sa BGC, Taguig.

“Mabait si Sarah’ng anak. Mabait si Sarah’ng kapatid. Basta mabait si Sarah.

“Pero alam n’yo naman Mommy Divine is Mommy Divine,” napapangiting pahayag ni Aiai.

Napilitan lang siyang ikuwento sa amin ‘yung experience nila kay Mommy Divine.

“Dumating na time na nagkaanuhan kami. Pero okay naman. Wala na ‘yun, matagal na ‘yun!” bawi naman ni Aiai.

Kinulit namin siya kung ano ‘yung namagitan sa kanila noon ni Mommy Divine, napilitan niyang sagutin na napagbintangan daw pala sila noon na kinuha nila ang T-shirt ni Sarah.

“Hindi naman sumama ang loob. Medyo na-off lang ako nang konti, pero noon pa ‘yun. Kasi nawala ‘yung T-shirt ni Sarah, napagbintangan niya na kami ang kumuha. Nakakaloka day!” natatawa pa niyang kuwento sa amin.

Ang Ate Joanne lang daw niya ang nandun sa van nila, dahil umalis na raw siya para makahabol magsimba sa Baclaran.

“Yung ate ko ang nandun. Kaya ang ate ko, si Ate Joanne, ang tawag niya kay Mommy Divine, bestfriend Divine.

“Siya ang nag-explain na wala sa amin,” sabi pa ni Aiai.

Pinahalughog pa raw kasi ni Mommy Divine sa van nila para hanapin lang ‘yung nawawalang T-shirt na tatak Mossino.

Doon lang daw na-off si Aiai kay Mommy Divine.

Hiningan na rin namin ng sariling pananaw si Aiai sa isyung ito nina Sarah at Mommy Divine.

“Alam n’yo bilang nanay. Ako may anak akong babae, si Sophia.

“Lahat naman kaming mga ina, bukod sa protective, wala naman kaming hinahangad na masama para sa mga anak namin.

“Kaya lang pag nasa edad na, puwedeng go na. Parang move on na tayo. Hayaan na natin sa kaligayahan niya si Sarah. Kasi 31 na si Sarah eh.

“And I think, lahat na tulong niya sa pamilya niya, nagawa niya. And it’s time naman na bigyan ni Sarah ng kaligayahang para sa kanya,” pahayag ni Aiai.

16 WORKING HOURS SA TAPING, IPINATUTUPAD NA NG GMA 7

SWAK: Simula ngayong Lunes, March 2 ay pina-practice na ng GMA 7 ang 16 working hours sa lahat na nagti-taping.

Applied daw ito mula sa mga artista hanggang sa mga production staff at suppliers.

Hindi pa naman ito naisabatas, pero kailangan na raw nilang simulan para malaman kung paano ang adjustment nito.

Ito na kasi ang ipatutupad ng DOLE at na pinirmahan nila sa Memorandum of Agreement sa Film Development Council of the Philippines.

Hindi lang ito sa TV kundi pati sa mga shooting ng mga pelikula.

Natuwa naman dito ang halos lahat na mga artistang nagti-taping nang halos araw-araw.

LOVI POE OKAY LANG MAKASAMA ULI SA PROJECT SI ROCCO NACINO

SEE: Deadma na si Lovi Poe sa sinabi noon ni Rocco Nacino na ayaw daw muna niya itong makatrabaho sa mga susunod nilang projects.

‘Hindi Tayo Puwede’ kasi ang pelikulang pinu-promote ngayon ni Lovi na magsu-showing na sa March 4. Kaya natanong na rin siya kung meron bang dating nakarelasyon o nakatrabaho na hindi niya na puwedeng makasama sa isang project.

Wala naman daw sabi ni Lovi. Kaya kahit sinasabi ni Rocco na ayaw na muna siyang makatrabaho, okay lang daw sa kanya dahil kung siya ang tatanungin, walang problema sa kanya kung makakasama niya uli ang dating boyfriend.

“Ako, I’m okay to work with him.

“But if he says that he’s not okay to work with me, it’s okay.

“It’s not really a problem. We get to work with different actors,” pahayag ng Kapuso actress nang naka-lunch ng ilang miyembro ng movie press noong nakaraang Sabado.

Nirerespeto naman daw niya kung ano ang nararamdaman ngayon ni Rocco.

Para sa kanya, hindi naman daw bad break-up ang nangyari sa paghihiwalay nila.

“I wouldn’t call it bad.

“From my point of view. I guess things happened and some people probably just see things differently you know. We moved on differently,” sabi pa ni Lovi.

 

231

Related posts

Leave a Comment