BARON: ‘PURO BABAE ANG ANAK KO, BAYAD UTANG BA ‘TO?’

MALAKING-MALAKI na ang ipinagbago sa pamumuhay ni Baron Geisler mula nang magkaroon ng asawa at anak. Mahigit isang buwan pa lamang ang nakalilipas nang ipanganak ng asawang si Jamie Evangelista si Talitha Cumi. “’Yung buhay ko ay hindi para sa akin, para sa kanila. Sa totoo lang wala pa akong tulog kasi para sa akin nine months si baby Tali sa loob ni Jamie. ‘Yung pinaka-respect na pwede kong ibalik sa asawa ko pagkatapos noon ay ako naman ang mag-aalaga,” makahulugang pahayag ni Baron.

Bilang asawa at ama ay masarap daw sa pakiramdam ng aktor na nasisilayan habang nakapagpapahinga ang kanyang mag-ina. “Gustung-gusto ko nakikita kapag magkatabi sila matulog. Minsan may ginagawa kami ni Tali, ‘yung tummy time. Sa totoo lang, ang nanay talaga ang nakaka-relate sa iyak ng bata. Ang the best na pwede kong i-provide is to give them a break, let them sleep,” pagbabahagi niya.

Babae rin ang naging anak ni Baron sa dating nakarelasyon at aminadong napaiyak nang malamang babaeng muli ang anak ngayon sa asawa. “Ang gusto ko talaga lalaki. Umiyak nga ako no’ng nalaman ko na babae, bayad-utang ba ito? Bakit puro babae ang mga anak ko? Pero ayos lang, may mga project kaming ginagawa ng misis ko tungkol sa mental health, mental health awareness at kung anu-ano na makakatulong sa community. Kung hindi ko man mapagpatuloy ito, pakiramdam ko ay lolo na ako, matanda na ako eh. Siya ang magpapatuloy sa legacy,” paliwanag ng aktor.

 

363

Related posts

Leave a Comment