SOLONS NANGALAMPAG SA PAG-ABUSO NG SECURITY AGENCIES KORAPSYON, MALTREATMENT PINASISILIP

PINAKIKILOS ni ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran ang Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP SOSIA) na magkaroon ng malalimang imbestigasyon hindi lamang sa isyu ng korapsyon sa mga security agency kundi alamin din ang mga posibilidad ng maltreatment at bullying sa mga guwardiya.

“I have also heard of security guards doing the 8+4 duty, meaning 8 hours of guarding the establishment plus 4 hours of overtime, but sometimes, these guards do not get what is due them,”pahayag ni Taduran.

Umaasa si Taduran na hindi mauuwi sa wala ang insidente at aaksyunan ng gobyerno ang kalagayan ng mga gwardiya.

“We have seen children who are victims of bullying in school develop suicidal tendencies, and it is no different for adults experiencing the same at the hands of their superiors in the workplace,” pagtatapos pa ni Taduran.Samantala, inirekomenda ni ACT CIS partylist Rep. Jocelyn Tulfo sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Interior and Local Government (DILG) na repasuhin ang kalagayan sa paggawa ng mga guwardiya sa bansa.

Ayon kay Tulfo, dapat magsilbing eye opener ang hostage taking sa Vira Mall sa Greenhills at maging daan para tuluyan nang mapabuti ang kalagayan ng mga guwardiya hindi lamang sa kanilang trabaho kundi lalo na sa pagtrato at pagbibigay sa kanila ng dignidad.

Bagamat hindi umano dapat kunsintihin ang ginawa ng hostage taker na si Archie Paray, naniniwala si Tulfo na kailangan ding unawain ang pinagdaanan nito at ng kanyang pamilya.
Hinimok din ng mambabatas ang DSWD na magbigay ng ayuda sa pamilya ni Paray at magsagawa ng counselling ang DOH sa lahat ng biktima ng hostage taking.

NABUNYAG NA PAGLABAG
MISTULANG bayani pa sa kanyang mga kapwa sekyu at iba pang mangagawa si Archie Paray na responsable sa sampung oras na hostage drama sa Vira Mall dahil naibulgar nito ang unfair labor practice sa mga security agency na nakatawag ng pansin sa Department of Labor and Employment.
Ito ay makaraang ihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na paiimbestigahan niya ang mga sinasabing labor issue ni Paray laban sa SASCOR Armor Security  partikular sa nasabing mall sa Greenhills.

Kabilang sa mga dahilan ni Paray kaya nang-hostage ito ay ang mga suliranin nilang security guards hinggil sa mababang sahod at mahabang oras ng duty.
Kaugnay nito, ipinag-utos din ni Bello ang pag-iinspeksyon hindi lamang sa mga mall sa Greenhills kundi maging sa ibang lugar para matiyak na sumusunod sa labor standards at occupational and health standards.

Ibinunyag din ni Bello na bago ang hostage taking ay may ilang reklamo na silang natanggap kaugnay ng sibakan ng trabaho sa naturang mall matapos umanong mag-takeover ang Ayala sa Greenhills management. ABBY MENDOZA, JESSE KABEL

158

Related posts

Leave a Comment