ABL NAHAWA SA COVID-19

NAGKANSELA ng mga laro ang ASEAN Basketball League (ABL) bilang pag-iingat sa banta ng coronavirus o COVID-19.

Ito’y matapos mapag-alaman na isa sa mga manlalaro nito, si dating Phoenix import Jameel McKay na ngayon ay naglalaro para sa Slingers, ang pinigil ng Singapore immigration pagdating nito mula sa paglalaro sa Kuala Lumpur, Malaysia sa kanyang pagbabalik kasama ang iba pang kapwa Slingers.

Nabatid na pinigil ng Singapore immigration si McKay matapos mapag-alaman na kabilang siya sa “contact list” ng Case 113 dahil kasama siya sa Turkish Airlines flight mula Istanbul patungong Singapore kung saan nakasakay ang 42-anyos na French national na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Ministry of Health ng Singapore, naka-quarantine ngayon si McKay at under observation sa loob ng dalawang linggo, maging ang iba pang Slingers’ players, staff, at personnel.

Minomonitor na rin sa loob ng 48-oras ang Kuala Lumpur Dragons at league personnel na maaaring nagkaron ng contact kay McKay, kung kakikitaan sila ng senyales ng sakit.

Kabilang sa mga naapektuhan sa pagkakansela ng ABL games ang sana’y pagtatapat ng Alab Pilipinas at Singapore sa Linggo.

Maging ang laro sa Martes ng Alab kontra Dragons sa Sta. Rosa Multipurpose Sports Complex sa Laguna.
Ire- reschedule ang mga naturang laro, bagama’t walang katiyakan kung kailan ito mangyayari lalo’t mas lumalawak ang naaapektuhan ng COVID-19. Ann Encarnacion

203

Related posts

Leave a Comment