30 MEDICAL STUDENTS SA TAGUIG, APRUBADO SA INVEST SCHOLARSHIP PROGRAM

KINILALA ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang unang batch ng mga iskolar sa ilalim ng INVEST Scholarship Program para sa mga medical student sa isinagawang INVEST Scholarship Awarding Ceremony o Batch Tanglaw.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, nasa 127 medical students ang nag-apply sa programa ngunit 30 lamang ang naaprubahang tumanggap ng scholarship grants.

Tatanggap ang mga iskolar ng tulong pinansyal para sa kanilang matrikula at iba pang bayarin bilang bahagi ng mga benepisyo ng programa.

Matatandaang inilunsad ang INVEST Scholarship Program noong Oktubre 8, 2025 upang magbigay ng komprehensibong suportang pinansyal sa mga nagnanais maging doktor.

Bahagi ito ng patuloy na pamumuhunan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa edukasyon at sa kinabukasan ng sektor ng pangangalagang pangkalusugan.

(DANNY BACOLOD)

59

Related posts

Leave a Comment