LIBU-LIBONG CHARGING STATIONS PARA SA E-MOTORCYCLES, TARGET NG DTI AT VINFAST; JULY 18 DEADLINE SA PRE-ORDER

SINUPORTAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapalawak ng charging at battery-swapping stations ng Vietnamese electric vehicle manufacturer na VinFast sa Pilipinas.

Ito ay matapos makipagpulong ang DTI sa mga opisyal ng VinFast upang talakayin ang expansion plans at regulatory framework para sa EV charging at battery-swapping stations sa bansa.

Kasabay nito, bukas hanggang Hulyo 18 ang pre-order para sa VinFast e-motorcycle lineup na Evo, Feliz II, at Viper.

Ang mga naturang e-motorcycle ang compatible sa target na 30,000 battery-swapping at charging stations na layong maitayo sa bansa upang mas mapadali ang paggamit ng electric motorcycles ng milyun-milyong riders.

Nagsisimula sa ₱64,400 ang presyo ng mga modelo na may ₱3,000 downpayment at anim na taong warranty.

Maaaring mag-pre-order ang mga interesadong mamimili sa mga opisyal na showroom ng VinFast at sa kanilang online platform. (JD)

67

Related posts

Leave a Comment