SMB KAYANG MANALO

Kahit wala si June Mar Fajardo

HINDI naramdaman ng San Miguel Beermen ang pagkawala (dahil sa injury) ng kanilang franchise player na si June Mar Fajardo nang walang kairap-hirap na dinispatsa ang nakalabang Magnolia Hotshots, 94-78, sa pagbubukas ng 45th PBA season kamakalawa.

Ipinakita ng dalawa pang big men ng SMB na sina Mo Tautuaa at Arwind Santos na kaya nilang punan ang pagkawala ni Fajardo nang pangunahan ang koponan sa panalo. Kumamada si Tautuaa ng 20 points at 11 rebounds habang nagsumite si Santos ng 18 points at 15 rebounds.

Maaga pang pinaramdam ng Beermen ang kanilang presensiya nang lamangan agad ang Hotshots sa unang bahagi ng laro at lumobo pa ito sa 23 points sa third quarter.

Samantala, kahit injured ay hindi napigilan si Fajardo na kunin ang ika-anim niyang PBA Most Valuable Player award.

Kasama rin si Fajardo sa All-Defensive Team at First Mythical Team.

Hindi naman nagpahuli si CJ Perez ng Columbian Dyip nang tanghaling Rookie of the Year sa taunang Leo Awards.

Nahirang din si Perez sa First Mythical Team selection at All-Defensive team.

147

Related posts

Leave a Comment