UST PINASADSAD NG ATENEO

UAAP 82 men’s football

MULING nagpamalas ng pwersa ang defending champion Ateneo de Manila sa UAAP Season 82 Men’s Football Tournament.

Hinakbangan ng Blue Eagles ang University of Santo Tomas, 6-1 noong Linggo sa Rizal Memorial Stadium, kung saan si team captain Nino Herrera ay nakadalawang puntos – isang long-range strike at isang resulta ng penalty – sa 10th at 27th minutes, upang akayin ang Ateneo sa panalo.

“Ang maganda lang dun, yung long shot ni Nino, yun yung nagstart so medyo tumaas yung motivation, tumaas yung tempo and regarding sa scoring, naging composed (ang mga player) especially pag nandun sa attacking third,” pahayag ni Ateneo mentor Jay Pee Merida.

Maliban kay Herrera, umiskor din sina Mark Nacional, Luca Alleje, Sam Lim at Jabez Setters.

Si Nacional ay naka-goal sa 27th minute din, habang si Alleje ay naipasok ang bola sa 40th. Kasunod nito ang goal mula kay Lim sa 43rd. Kahit panalo na ang Ateneo, nagawa pa ring makahirit ng isang goal ng UST sa pamamagitan ni Stephen Marasigan sa 69th minute, bago ang huling goal ni Setters sa Ateneo sa 75th minute.

Dahil sa panalo, ang Ateneo ay may nakukulekta nang apat na puntos, habang tatlo naman ang UST. (VT ROMANO)

133

Related posts

Leave a Comment