PASAHERO KADA JEEP, TREN ITATAKDA NG DOTr

jeep

MAGPAPALABAS ng guidelines o alituntunin ang Department of Transportation (DOTr) ukol sa social distancing sa mga public utility vehicle gaya ng MRT, PNR , LRT at jeepney.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles kahapon na umaasa sila na maisasa-pinal na ng DOTr ang  kanilang proposed guidelines na pinaplantsa sa meeting ng inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at  ipiprisinta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Iyong DOTr po iyong mag-iisyu ng guidelines tungkol dito. Kahapon kasi, iyong napag-usapan lang po namin was the MRT, LRT ‘no and PNR. So naubusan na rin kami ng oras to discuss iyong other public utility vehicles kaya ito po iyong iku-continue namin today dahil nga sa dami ng pinag-uusapan kahapon. So today po, hopefully, mapa-finalize ng DOTr iyong kanilang proposed guidelines na aming ipi-present kay Pangulo Duterte,” ayon kay CabSec Nograles.

Partikular aniya na pag-uusapan ay ang boundary na binibigay ng mga jeepney driver sa kanilang mga operator kaya’t mahirap magpatupad ng social distancing sa jeepney at PUVs o Public Utility Jeepneys (PUJs).

Ani CabSec. Nograles, “Isa rin iyan sa mga issues and concerns na pag-uusapan natin, of course, kasama ang Department of Labor and Employment. Kaya ito iyong kagandahan ng task force namin. It’s inter-agency, para lahat ng aspeto nung lahat ng decisions namin ay napag-uusapan. At ang directive nga rin ni Pangulo is to expand already the membership ng IATF para iyong ibang members ng Gabinete ay puwede na ring isama dito sa mga pag-uusapan.” CHRISTIAN DALE

283

Related posts

Leave a Comment