PAG-UWI NG OFWs, PAGHANDAAN – SOLON

kamara1

KAILANGANG paghandaan na ng pamahalaan ang inaasahang pag-uwi ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs) matapos maapektuhan sa coronavirus disease 2019 o COVID-19
ang ekonomiya ng mundo.

Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo ang nasabing panawagan sa pamahalaan partikular na sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) matapos bumagsak nang husto ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

“With world crude oil prices falling to only $23.75 per barrel as an aftershock of COVID-19, expect demand for OFWs in the oil-rich countries and for sea-based deployment to fall in the coming months,” ani Tulfo.

Nangangahulugan aniya ito na maraming OFWs ang pauuwiin at mapupurnada na rin ang iba pang nais magtrabaho sa ibang bansa dahil malaking epekto na sa ekonomiya ng mundo ang COVID-19.

“This early, DOLE, DFA, and NEDA (National Economic Development Authority) should be ready for more OFW balikbayans and the consequent economic impact,” ayon pa kay Tulfo.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni TUCP party-list Rep. Raymund Mendoza na isama ang mga OFW na nawalan ng trabaho sa bibigyan ng ayuda sa “Bayanihan to Heal As One Act”.

Ayon kay Mendoza, habang tumatagal ang problema sa COVID-19 ay parami nang parami ang mga OFW na nawawalan ng trabaho kaya nararapat na isama ang mga ito sa beneficiaries sa nasabing batas.

Umaabot na aniya sa 3,169 OFWs ang nawalan ng trabaho sa Job displacement report ng DOLE kaya nararapat na tulungan ang mga ito sa pinansyal na pangangailangan. BERNARD TAGUINOD

220

Related posts

Leave a Comment