UUNAHIN muna ang profilling at validation ngayong linggo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa labing walong milyong Pinoy na bibigyan ng lima hanggang walong libong pisong (5k-8k) tulong pinansiyal dahil sa epekto ng coronavirus disease 2019.
Ayon kay Irene Dumlao, spokesperson ng DSWD, makikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa lahat ng Local Government Units (LGUs) para makakuha ng listahan sa nasasakupan ng mga ito na dapat mabigyan ng social amelioration package.
Magbibigay muna raw sila ng form para sa social amelioration card para malaman nila kung si u-sino ang pagkakalooban ng tulong pinansiyal ng pamahalaan.
Sa pagkakaalam natin, 18 milyong pamilya sa buong bansa ang pagkakalooban ng tulong pinansiyal, kaya nga hindi kaya magiging mabagal ang proseso?
Pagkatapos ng social amelioration card ay ibibigay sa DSWD field offices bago naman dalhin sa kanilang Central Office para sa approval sa pamamahagi na.
Ang tulong pinansiyal daw ay nakabase sa minimum wages ng bawat lalawigan.
Kahit papaano ang taumbayan ay may pera na maaaring gamitin habang hindi nakakapagtrabaho ang mga manggagawang sa buong bansa dahil sa COVID-19 na ito.
Base sa pagkakasunod-sunod, ang National Capital Region (NCR) ay makakatanggap ng P8K subsidy bawat pamilya; Region 1, 2 at Cordillera Autormous Region (CAR) ay P5,500; Region 3 at 4-A
ay P6,500; Region 4-B at 5 ay P5,000; Region 6 at 7 ay P6,000; Region 8 at 9, P5,000; Region 10 at 11 ay P6,000; at Region 12, Caraga at ARMM ay P5,000.
Bukod sa tulong pinansiyal ay makakatanggap din ng food packs mula sa DSWD at Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged (TUPAD) mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
Kasabay nito, inaantay ng DSWD mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil may listahan nito.
Tiniyak naman ni Dumlao na kapag natapos ang listahan ay agad nila itong isusunod na bigyan ng tulong pinansiyal.
Ang kanilang bibigyan na mga benepisyaryo ng 4Ps sa NCR ay dadagdagan na lamang para umabot ng P8k para sa minimum wage.
Gayundin ang gagawin nila sa mga lalawigan sapagkat daragdagan na lamang nila para sa kanilang tinatanggap na 4Ps para umabot sa minimum wage depende kung saan silang probinsiya.
Malaking tulong na iyan dahil bukod sa halaga na ay mayroon ding ipinamimigay na food packs mula sa barangay LGUs.
Sana’y huwag nang matigas ang ulo ng mga tao at sa halip ay sumunod sila kung anong sabihin ng gobyerno.
Lalo na ang sinasabi ng Department of Health (DOH) dahil sila ang nakakaalam kung paano makakaiwas sa COVID-19.
Magtulungan po tayo lalo na sa pagdarasal para malagpasan natin ang krisis na ito.
Lord, God Bless Us! Amen.
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at oper
497
