Personal info obligadong ideklara MULTA, KASO SA PASAWAY NA COVID PATIENT

MAAARING maparusahan ang mga pasyenteng na-diagnose na may COVID-19 kapag tumanggi silang magbahagi ng kinakailangang impormasyon ng Department of Health para labanan ang pagkalat ng nasabing sakit.  

Sinabi ni Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang mga coronavirus patient na hindi susunod sa kautusan ng pamahalaan ay maaaring kasuhan at pagmultahin dahil sa paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Hindi aniya maaaring tumanggi ang mga ito na magbigay ng kanilang personal information at kailangan nilang magsabi ng totoo.

“Republic Act No. 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, makes it obligatory to report medical conditions that are of public health concern. The same law was the basis for the declaration of a state of public health emergency in the country due to the COVID- 19 pandemic,” ayon sa ulat.

Sa ilalim ng batas, ang mga lalabag ay pagmumultahin ng mula P20,000 hanggang P50,000 o pagkabilanggo mula isang buwan hanggang 6 na buwan o pareho, depende sa magiging desisyon ng korte. CHRISTIAN DALE

164

Related posts

Leave a Comment