BUCOR DEDMA SA PAGPAPALAYA SA MATATANDA AT SAKITING PDLs

MAG-IISANG buwan na sa Abril 17 ang “enhanced community quarantine” (ECQ) o “total lockdown” sa Luzon bunsod ng pagdami ng biktima ng novel coronavirus – 2019 (COVID– 19), ngunit hanggang ngayon ay wala pang pasya ang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) hinggil sa kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na palayain ang matatanda at sakiting persons deprived of liberty (PDLs).

Nabatid ng Saksi Ngayon ang kawalan ng aksiyon ni BuCor chief Gerald Bantag sa kahilingan ni DOJ Secretary Menardo Guevarra sa kanya bago pa man ‘pumutok’ ang COVID-19 sa bansa.

Sabi ni Guevarra sa DOJ beat reporters, bago pa man naging problema ng bansa ang COVID-19, “the DOJ had instructed the Bureau of Corrections and the Board of Pardons and Parole to expedite the release of, or grant of executive clemency to, old and sickly PDLs serving their sentence for humanitarian reasons.”

Isang linggo na ang nakalipas, naghain ng petisyon ang pangkat ng 22 PDLs sa Korte Suprema para iutos ang pansamantalang kalayaan nila upang hindi sila maging biktima ng COVID-19 sa loob ng siksikang selda ng New Bilibid Prison (NBP).

Hindi pa nabasa ng kalihim ang nasabing petisyon, kaya hindi siya nagbigay ng komentaryo ukol dito.

Inaasahang pabor si Guevarra sa kahilingan ng 22 PDLs kung “humanitarian” ang dahilan ang kahilingang pansamantalang Kalayaan.NELSON S. BADILLA

137

Related posts

Leave a Comment