KINUMPIRMA ni Presidential spokesperson Harry Roque na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni National Economic and Development Authority (NEDA) secretary Ernesto Pernia.
Ang dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ni Sec. Pernia ay base sa personal na kadahilanan.
Si Finance Undersecretary Karl Chua ang itinalaga bilang acting capacity matapos bakantehin ni Pernia ang kanyang puwesto.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Pernia na matapos ang kanyang reflection noong Holy Week at konsultasyon sa kanyang pamilya at malalapit na katrabaho ay nagpasya siyang magbitiw bilang kalihim ng Socioeconomic Planning.
Dalawa ang binanggit na dahilan ni Pernia sa pagbibitiw.
Una ay personal reasons at ikalawa ay ang hindi aniya pagkakahalintulad ng development philosopy niya sa ilang kapwa niya cabinet members.
Pinasalamatan ni Pernia si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalaga sa kaniya sa nasabing pwesto.
Karangalan aniyang mapagsilbihan ang bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte sa loob ng halos 4 na taon.
Pinasalamatan din ni Pernia ang mga kasamahan niya sa NEDA. CHRISTIAN DALE
213 