DESISYON NI PDU30 SA ECQ IHAHAYAG SA HUWEBES

SA darating na Huwebes, Abril 23 ay magdedesisyon na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) na inaasahang magtatapos sa April 30.

Sa isang text message ay sinabi ni Sen. Bong Go, sa ngayon ay pinag-aaralang mabuti ng Pangulo ang kanyang magiging desisyon.

“Ngayon po ay pinag-aaralang mabuti at ngayong Huwebes magdedesisyon ang ating Pangulo,” ayon kay Go.

Nauna rito, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pakikinggan ng Pangulo ang mga magiging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, gayundin ng mga eksperto sa medisina at siyensiya para makabuo ng desisyon at mapaghandaan ang mga susunod na hakbang sa sandaling makapagdesisyon ito. CHRISTIAN DALE

211

Related posts

Leave a Comment