DAVAO DEL NORTE, NAKAPAGTALA NG 2 KASO NG COVID POSITIVE

DAVAO City – Kinumpirma ng City Health Office (CHO) ng Panabo City sa Davao del Norte, sa pamamagitan ng kanilang post sa official social media account, na positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang residente sa lugar.

Ito ang pangalawang kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar kung saan ang pasyente ay nasa pasilidad na ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa lungsod at nasa mabuting kondisyon.

Ayon sa post ng CHO noong Lunes, Mayo 18, anim na buwang nakatira dito sa lungsod ang pasyente simula noong Disyembre 2019.

Lumabas umano ang resulta noong Mayo 15 ngunit noong Lunes lang nakapagdesisyon ang Department of Health (DOH) na ang opisyal na address ng pasyente ay sa Panabo City imbes na rito sa lungsod.

Simula umano naang manirahan sa Davao City ang pasyente ay isang beses lang itong bumisita sa kanilang lugar noong Marso 30 nitong taon.

Ang unang kaso na naitala sa Panabo City ay naka-discharge na noong Abril 8,2020. (DONDON DINOY)

282

Related posts

Leave a Comment